Kakapost lang kagabi, post nanaman? Adik lang?
Pagpasensyahan nyo na. Medyo emo ung post kagabi, kaya kelangan ng bawi. Nangako pa naman ako na hindi na ko magpopost ng anupamang emoshit, pero mukhang ganun talaga eh.
Pero since bagong blog na ito, syempre kahit papano dapat try din tayo ng bago. Naisip ko namang i-try ngayong magsulat ng blog post in Tagalog. Pinoy-friendly. Maka-masa. Keri-boom-boom naman.
Isa pang nakakatuwang tribya mula sa inyong lingkod. Mahilig ako sa mga listahan. Mahilig akong makakita ng mga bagay na de-numero o kaya de-bullet. Bakit kamo? Hindi ko rin alam. Siguro dahil nakakatuwang makakita ng mga bagay na organized, kahit na hindi ganun ka-organize ang utak ko.
Sa unang yugto ng Lisondra's Lovable Lists to Live By, paguusapan natin ang pitong mga mahahalagang bagay na isinasabuhay ko ngayon. Kung nabasa nyo ang mejo-emo kong post kahapon, alam nyo na kung anong landas na tinatahak ko ngayon. Mas positibo na. Wala na gaanong emoshit. Tingin ko dapat lang, kasi may mas magandang gawin sa buhay kesa magpakalunod sa malulungkot na bagay.
![]() |
Ibang usapan na siyempre pag listahan ng utang. Hassle yan. |
Kung si Moises, may Ten Commandments, ako naman may Seven Hayahay Laws. Ang baduy no? Parang sa radyo lang. Pero alam naman natin (I mean, sana alam natin) ang ibig sabihin ng hayahay - kumportable, "refreshing", walang sakit sa ulo.
Sige simulan na natin.
<><><><><><><><><><><>
Hayahay Law Number 7: The Law of Freedom and Independence
"Ngayong big boy ka na, mas malaya ka na. Sa puntong to, may kalayaan ka nang gawin anuman ang gusto mo, pero dapat kang maging responsable."
Sobrang big deal sakin ng pagiging malaya. Palibhasa, nasanay ako na laging suportado ng magulang ko. Kaya nung grumaduate ako ng college, para akong pokemon na nakalaya sa pokeball. Nakakaalis na ako ng walang problema, at nagagawa ko na ang mga bagay na hindi ko nagagawa dati. Pero alam kong kaakibat ng kalayaang ito ang isang mahalagang responsibilidad sa sarili. Mahirap nang mapasok sa kung anumang "fix" na mahirap labasan (gaya nung nangyari sa college). Mas gusto kong ituon ang pansin ko ngayon sa kakayahang tumayo sa sarili kong mga paa, magkaron ng panindigan at pananagutan sa anumang desisyong gagawin.
======
Hayahay Law Number 6: The Law of Forgiveness
"Lahat tayo may nagawang shit sa buhay. May malaking shit, may nakakahiyang shit. Pero nakalipas nang shit yun. Matuto kang patawarin sarili mo."
![]() |
Isipin mo nalang ganito itsura ng nakaraan mo. Mas madaling patawarin diba? Haha. |
Iiwasan natin ang emoshit sa pagkakataong 'to. Hindi ko na to masyado pang palalawigin. Ang alam ko lang, dapat matuto tayong magpatawad, di lang ng mga taong nanakit satin kundi lalo na sarili natin. Tingin ko, sarili ang pinakamahirap kalabanin. Pano ka nga naman lalaban? Pointless diba? Dapat nating matutunang mahalin ang anumang pinagdaaanan natin dahil gaya nga ng sabi ng partner ko, "it made you who you are today." Isa pa, mahirap ang may baggage na dala-dala. Di masaya yung ganun. Hassle lang.
======
Hayahay Law Number 5: The Law of Open-Mindedness
"Minsan lang kakakot ang mga oportunided. Minsan ka lang magkakaroon ng pagkakataong masubukan ang ilang mga bagay. Bago manghusga o umiwas, tingnan muna ulet. Baka astig pala."
![]() |
Oh panis oh! Literal na open mind! Morbid itey! |
Sobrang close-minded ko nung kabataan ko (bata pa rin naman ako. haha). Hindi ko binigyan ang sarili ko nang pagkakataong magexplore ng maraming bagay. Masyado akong nahumaling sa comfort zone. Di ko narealize na ang magic pala, nasa labas lang ng comfort zone na yun. Maraming mga oportunidad ang masaya palang pasukin. Maraming mga bagay pala ang masarap gawin. Hangga't alam mong hindi mo naman ito ikakasama, bakit hindi?
======
Hayahay Law Number 4: The Law of Foresight
"Plano-plano rin pag may time! Bagama't ok pang mabuhay na parang bachelor/bachelorette ngayon, dapat kahit papano may idea ka na kung anong klaseng buhay ang gusto mo 5, 10 or 20 years from now."
![]() |
Manalig ka lang kay Bamboo. |
Isa pang tribya tungkol sakin - mahilig ako magplano. Fulfilling sakin kapag naghahanda ako para sa isang bagay lalo na pag alam kong may maidudulot na maganda yun. Syempre, doble saya pa kapag umayon sa plano ang mga bagay-bagay. Pero syempre, di maiiwasan ang konting aberya, pero chill lang din. Mahalaga sakin ang magkaron ng mindset o goal para makuha ang isang bagay. Minsan nga lang sasablay, pero part ng buhay yun. Ang mahalaga, matuto ka sa isang bagay na pinag-isipan mo mabuti.
======
Hayahay Law Number 3: The Law of Pursuing Dreams
"Wag na wag mong kalilimutan ang mga pangarap mo. Ang buhay na walang pangarap ay isang buhay na walang kulay. Keri lang kung engrande, ok lang din pag simple, wag lang OA siyempre."
![]() |
Wala akong mahanap na magandang pic para dito, kaya pinost ko nalang ang isa sa mga pangarap ko. Ilaw na color orange! :) |
Isa lang akong taong may simpleng pangarap. Magkaron ng pamilya balang araw - isang mabait na asawa at siguro dalawang anak. Magkaron ng isang trabahong mamahalin ko - isang trabahong alam kong may matutulungan ako. Maglakbay sa mga lugar na gusto kong puntahan. Mangolekta ng plastic model kits. Tulad ng plano, wala ring kasiguraduhan na makukuha ko ang mga to. Pero inaayos ko ng mabuti ang sarili ko para kapag dumatign ang pagkakataong matupad ang mga yon, alam kong karapat-dapat ako. Sikap at tiyaga lang, at patuloy na mamuhay ng matuwid. Konting ipon kasi ang ganda ng nirerelease ng Bandai recently. (Talagang kelangan isingit? haha)
======
Hayahay Law Number 2: The Law of Appreciation and Acceptance
"May mga taong magpapasaya, tatanggap, at magmamahal sa yo ng totoo. Pasalamatan mo sila. May mga taong maninira, mambuburaot, at magpapasira ng araw/gabi/linggo/buwan/taon mo. Pasalamatan mo rin sila."
![]() |
Dami mong alam, doggie. Buti nalang cute ka. :D |
Ah eto dito baka magtunog santo ako dito. Kahit ako di ko magagarantyang 100 porsyento ko tong masasabuhay. Pero ang kagandahan nito, kapag na-master mo to, tiyak na mas gaganda ang pagtingin mo sa buhay. Hindi lahat ng bagay sa mundo magugustuhan o aayun sa trip mo. Pero kung makikita mo ang kagandahan kahit sa mga pinaka-weirdong mga bagay, mafi-feel mo na ok na rin palang andyan sila sa paligid. Ok din palang may naiiba. Sige, pasok na rin natin ung mga buraot. Ung mga nagpalungkot sa yo dati. O kaya nagpainit ng ulo mo. Kung wala sila, siguro malilimutan mo kung ano ang ibig sabihin ng pagiging masaya, dahil lagi ka nalang masaya eh.
Pero ang pinakadapat ipagpasalamat natin ay ung mga taong tumatanggap at nagmamahal satin. Yung mga taong naglalaan ng oras makasama lang tayo kahit saglit lang. Yung mga taong ngingiti sayo kahit sa mga pinakasimpleng kadahilanan. Ang kinaibahan nila sa mga "bagay" na nakakapagpasaya satin? Pinili ng mga taong ito na tanggapin tayo. Walang pilitan. Walang bayad-bayad.
======
Hayahay Law Number 1: The Law of Genuine Love
"You love because you want to make someone happy and be happy at the same time. You love because you want to be complete with someone. There is no perfect love story, only two people with the desire to keep and accept each other, in happiness, in defeat, in loneliness, in silence, and everything in between."
![]() |
Lolo: Mahal kita, honey. Lola: Eh sino ka nga ulet? |
Ay English ulet? Haha. Mahirap siyang isulat sa tagalog (magtutunog makata na ako...wait, kanina pa ata? haha).
Simple lang naman ang nais ihatid ng huli at pinakamahalagang Hayahay Law - ang mabuhay nang may pagmamahal sa sarili at pagnanais na mapasaya ang minamahal. Hindi pwedeng isa lang jan, dapat sabay. Kasi kung selfish ka at puro sarili lang iniisip, di ka tunay na nagmamahal. Kung puro ibang tao naman ang iisipin mo at di mo napapahahalagahan sarili mo (e.g. martir), di ka rin tunay na nagmamahal.
Ang tunay na love story, di nagtatapos sa matamis na halik ng isang prinsipe sa isang prinsesa o di kaya sa pagliligtas ng isang kabalyero sa isang...damsel in distress (nauubusan na ako ng Tagalog). Dun palang nagsisimula lahat yun, sa desisyon ng dalawang taong yakapin ang isa't isa kasabay ng pagpapanitili ng kanilang pagmamahal para sa sarili. Wag nating kalimutan na kaya tayo nagmamahal ay dahil gusto nating maging masaya at maging mas malakas. Kung ganito siguro ang mindset ng lahat ng tao, eh di wala na sanang nagdurusa dahil sa pagibig. Masayang mundo siguro yun. :)
<><><><><><><><><><><>
So ayan, nakaabot ka na naman sa parteng to ng post kong lagi na lang mahaba (mahaba kasi may intro pa). Pero gaya ng dati, sana may natutunan ka mula rito. Parte ng gusto kong gawin sa paglalakbay na ito ang mai-share sa inyo ang anumang magagandang realizations na nakukuha ko sa pang-araw-araw kong buhay. Minsan malupet, minsan corny, pero ok lang yun, masaya akong nakakapagshare. Simpleng kaligayahan lang. :)
Everything will make sense, in time.
Sa uulitin. :)
Stay classy, planet Earth!
- Billy
0 comments:
Post a Comment